12

Jun 15, 2021 @ 12:46
By

Gobert pasok ulit sa NBA All-Defensive Team

Gaya ng inaasahan ay pasok si Utah Jazz center Rudy Gobert sa NBA All-Defensive First Team na inanunsyo ng liga nitong Martes (oras sa Pilipinas).

Ito ang pang-limang sunod na season na kabilang si Gobert sa First Team.

Kasama niya sa listahan sina Philadelphia forward Ben Simmons, Golden State forward Draymond Green at mga manlalaro ng Milwaukee na sina Giannis Antetokounmpo at Jrue Holiday.

Samantala, sina Joel Embiid at Matisse Thybulle ng Philadelphia, Jimmy Butler at Bam Adebayo ng Miami at Kawhi Leonard ng LA Clippers ang bumubuo sa All-Defensive Second Team.

Ang tatlong manlalaro ng 76ers na nakapasok sa dalawang listahan ay ang mga sanhi ng pagkakaroon nila ng pangalawang pinakamataas na defensive rating sa NBA noong regular season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?