58

Apr 4, 2020 @ 8:14
By

Gobert lusot sa coronavirus, nagkaloob ng $500K sa Utah

Clean, cleared na sa coronavirus si Utah Jazz center Rudy Gobert noong nakaraang linggo.

Makalipas ang ilang araw, nag-workout na siya sa isang gym.

Sa photos at video na ipinost niya sa Instagram, makikita ang 27-year-old two-time Defensive Player of the Year na nagbo-boxing kasama ang isang trainer.

“Back at it,” caption ng Frenchman sa kanyang post.

Si Gobert ang unang NBA player na nag-positive sa COVID-19, nakumpirma noong March 11. Sa araw ding ‘yun ay sinuspinde ng NBA ang 2019-2020 season.

Sumunod ang Jazz teammate niyang si Donovan Mitchell, at si Christian Wood ng Detroit Pistons.

Ilang araw ang nakalipas, inamin ni Kevin Durant na isa siya sa apat na Brooklyn Nets players na positibo rin. Positive rin si Marcus Smart ng Boston Celtics at dalawang hindi pinangalanang players ng Lakers.

Cleared na rin sina Mitchell at Wood, pati si Smart at ang dalawang Lakers.

Ibinalita ng Nets na wala nang sintomas na pinapakita ang apat nilang players, kabilang si Durant.

Nang lumabas na positive si Gobert, lumabas ang video nito na pinaghahawakan ang microphones at audio recorders ng reporters sa isang press interview. Binatikos siya dahil dito, makalipas ang ilang araw ay nag-sorry ang 7-foot-1 center at nakiusap sa publiko na seryosohin ang banta ng virus.

Nag-donate si Gobert ng $500,000 para sa part-time arena employees sa Utah na nawalan ng pagkakakitaan nang matigil ang NBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?