5

Aug 22, 2020 @ 14:13
By

Gobert, Jazz pinapak Nuggets

Bumaligtad na ang sitwasyon sa serye sa pagitan ng Utah Jazz at Denver Nuggets.

Lamang na ang Jazz matapos ikumpas ang 124-87 panalo kontra Nuggets sa Game 3 ng 2019-2020 NBA Western Conference playoff.

Nangalabaw si Rudy Gobert ng 24 points at 14 rebounds para sa Utah na hawak ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-seven series, habang namuno sa opensa si Mike Conley Jr. na may 27 markers.

Bumakas din si Donovan Mitchell ng 20 markers para sa Jazz na isang nota na lang at puro na sa second round playoff.

Halos walang lakas ang Nuggets na yumapak sa playing court, 15 puntos lang ang tinipa ng kanilang star player na si Nikola Jokic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?