47

Apr 22, 2020 @ 18:52
By

Gobert delikadingding sa Utah

Balak nang bitawan ng Utah Jazz si Rudy Gobert?

Hindi lingid na may isyu dati pa sina Gobert at Donovan Mitchell.

Nadagdagan pa matapos mag-positive sa coronavirus si Gobert noong March 11, araw na sinuspinde ang NBA.

Sumunod na dinapuan si Mitchell.

Ayon kay Gobert, maayos na silang dalawa.

Pero iba ang sinasabi ng report ni David Aldridge ng The Athletic.

“There have been rumblings well before either of them contracted coronavirus that the Jazz were growing weary of Gobert,” ulat ni Aldridge. “Not that they were actively shopping him or trying to get rid of him, but that he might be more available than you’d think a Defensive Player of the Year and guy who is such an anchor would be.”

Napapagod ang Jazz kay Gobert, pabigat sa team, ganu’n?

“It will not surprise me if Utah moves on after this season,” dagdag ni Aldridge.

Mainam na center si Gobert, pero sa takbo ng NBA ngayon ay sa guard at forward naka-angkla ang teams.

Hindi naiiba rito ang Jazz na may Mitchell na bumibitbit sa atake.

Kung aabot sa punto na mamimili ang Jazz sa dalawang stars, mas malamang si Gobert ang bitawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?