17

Nov 26, 2021 @ 16:58
By

Gobernador posible nang magkasal

Inendorso ng House Committee on Revision of Laws sa plenaryo ng Kamara de Representantes ang panukala na magbibigay ng kapangyarihan sa mga provincial governor na magkasal.

Sa ilalim ng House Bill 10515, ang mga gobernador ay papayagan na magkasal sa loob ng kanilang probinsya.

Aamyendahan ng panukala ang Family Code of the Philippines.

Ayon kay Cebu Rep. Pablo John Garcia, may-akda ng panukala, ang mga city at municipal mayor ay mayroong kapangyarihan na magkasal.

Sa kabila nito, mayroon umanong mga residente na humihiling sa mga gobernador na sila ay ikasal dahil lingid sa kanilang kaalaman ay wala itong ganitong kapangyarihan.

“Granting provincial governors the authority to solemnize marriages would give constituents greater access to an essential service which is the foundation of the family, society’s basic unit,” sabi ni Garcia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?