177

Jul 16, 2018 @ 15:03
By

Goalkeeper ng World Cup champion France, may dugong Pinoy

Tatlong Filipino athletes ang nagbigay ng karangalan sa Pilipinas noong Hulyo 15.

Ito’y sina Manny Pacquiao at Jhack Tepora na umiskor ng knockout win laban sa mga nakaharap na Argentinian at Mehikano, ayon sa pagkakasunod.

Habang ang Filipino-French na si Alphonse Areola ay naging kauna-unahang Pinoy na nakapag-uwi ng kampeonato sa World Cup matapos tanghaling 2018 World Cup champions ang France laban sa Croatia.

Si Areola ay kabilang sa tatlong goalkeepers ng “Les Bleus” na national soccer team ng France.

Bago nakoronahang world champion ang “Les Bleus”, nag-tweet pa si Alphonse ng: “KEEP CALM! The World Cup is here! CHAMPION DU MONDE!”

Si Alphonse ay ipinanganak sa Paris pero ang mga magulang niya ay mga Filipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?