108

Nov 23, 2021 @ 9:15
By

Go: Sara Duterte malapit sa puso bilang running mate

Nais maging running mate ni presidentail aspirant Sentaro Christopher “Bong” Go si vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Pag-amin ni Go, pipiliin niya ang anak ng Pangulo bilang VP kung may pagkakataon.

“Sa ngayon wala akong vice president. Sino ba naman pipiliin kong VP? Siyempre anak ng aking boss,” pahayag nito sa isang panayam.

Malapit daw si Inday sa kaniyang puso bilang VP bet, ngunit may mga partido raw na kailangang sundin.

“Siya closest to our heart. Kung ako papipiliin. Pero syempre may partido tayo na dapat sundin,” ani Go.

Naunang nag file si Go ng Certifacate of Candidacy (COC) sa pagka-bise presidente ngunit nang maghain ng COC si Sara Duterte sa pagka-bise presidente, nag withdraw si Go at nagfile ulit ng COC sa pagka-pangulo ayon na rin sa payo ng Presidente. (Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?