22

Dec 2, 2020 @ 9:46
By

Go sa PITC: Nagaraheng P33B ipaliwanag sa publiko

Kailangan ipaliwanag ng Philippine International Trading Corporation (PITC) at Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko ang isyu kaugnay ng diumano’y nakagaraheng P33 bilyon sa kanilang bank account, ayon kay Senador Bong Go.

“Dapat ipaliwanag nila ‘yan sa publiko, ipaliwanag nila sa Senado at kung kinakailangan pong imbestigahan ng Senado to shed light, ma-explain nila nang mabuti kung ano ba talaga ang totoo, ano ba talaga ang perang ito, bakit sinasabing naka-park lang,” pahayag ng senador.

“Kaya rin wala akong pagtutol kung sakaling nais ng Senado na imbestigahan ang PITC hinggil sa isyu na ito para rin mabigyan ng oportunidad ang PITC na magpaliwanag, ayusin ang dapat ayusin, mapabilis at masunod ang tamang proseso, at kung kakailanganin — mapanagot ang sinumang may pagkukulang,” dagdag nito.

Sabi ng senador, hindi umano dapat masayang ang public fund lalo na ngayong kailangan ng gobyerno ng sapat na pondo para sapagbili ng COVID-19 vaccine.

“Dapat wala pong nasasayang na pondo ng gobyerno at nakatulog d’yan dahil nangangailangan po ang gobyerno ng pera, lalo na pambili ng vaccine,” ani Go.

“So, dapat po kung anuman pong pera meron ang gobyerno, gamitin sa tama up to the last centavo,” saad pa nito.

Kung nakagarahe lang aniya ang naturang pondo sa PITC at hindi namanan nagagamit, sa mainam na gamitin na lang na pambili ng bakuna sa coronavirus.

“Once declared na ito na safe ng Food and Drug Administration, dapat po available ito sa mahihirap, accessible ito sa mahihirap. Sa usapang affordability naman, dapat po libre ito na ibigay sa ating mga kababayang mahirap. ‘Yun po ang unahin namin ni Pangulong Duterte,” ayon pa sa mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?