29

Sep 9, 2021 @ 18:05
By

Go sa PDP-Laban: Irespeto desisyon ko

Umapela si Senador Bong Go sa mga miyembro ng PDP-Laban na irespeto ang kanyang desisyon na tanggihan ang nominasyon para sa kanya sa pagtakbo sa pagka-pangulo sa susunod na taon.

“Sa mga kasamahan ko sa PDP-Laban, muli, taus-puso akong nagpapasalamat sa inyo para sa inyong tiwala at suporta sa akin at kay Pangulong Rodrigo Duterte,” sabi ni Go.

“Subalit, inuulit ko, hindi po ako interesadong tumakbo sa pagka-Pangulo sa darating na halalan. Nakatutok po ang buong puso at isipan ko sa pagseserbisyo sa aking kapwa at wala po akong hangarin na makipagkumpitensya sa pinakamataas na posisyon sa bansa,” dagdag nito.

Sa halip, hinimok nito ang mga miyembro ng partido na suportahan ang mga taong tatakbo at magpapatuloy na mga nasimulan pagbabago pangulo para sa bansa.

“Unahin niyo na lang po ang may gusto. Ang importante ay hanapan natin ng katimbang si Pangulong Duterte upang maipagpatuloy ang pagbabago. Yun ang continuity na inaasam natin,” said Go.

“Dahil sa mga pagsubok na hinaharap natin ngayon, sakit sa ulo ang aabutin ng susunod na presidente. Kaya tutulong na lang ako sa kanya,” saad nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?