3,595

By

Go sa paring idinasal na magkasakit si Digong: Patawarin sana siya ng Diyos!

Sharing is caring!

Hindi nagustuhan ng Malacañang ang pahayag ng isa sa mga paring nag-misa sa tanggapan ni Senador Antonio Trillanes IV na nahaharap ngayon sa problema dahil sa napawalang bisang amnestiya nito.

Nakarating agad sa kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ngayon ay nasa Jordan ang bahagi ng homily ni Father Noel Gatchalian kung saan sinabi umano nitong ipinagdasal niya na magkasakit si Pangulong Duterte.

Sa maiksing mensahe ni Special Assistant to the President Bong Go na kasama rin sa biyahe, sinabi nitong patawarin sana ang pari ng Panginoon.

Hindi na nagbigay pa ng dagdag na pahayag ang kalihim maliban sa maiksing Viber message.

Sa Homily ni Father Gatchalian sa ginanap na misa para kay Trillanes sa senado, sinabi nitong maraming kaguluhan ang nangyayari at pati ang relihiyon ay winawalanghiya at binabastos, kaya’t nang sinabihan sila ng Simbahan na magdasal, ipinagdasal nito na magkasakit si Pangulong Duterte.

Ikinatwiran ng pari na ang Pangulo naman ang nagsabing pagod na siya at gustong magpahinga kaya niya ito ipinagdasal na magkasakit.

“Maraming mga kaguluhan ang nangyayari na winawalanghiya pati ang ating relihiyon , binabastos pati ang ating Diyos.Sinabi ng ating simbahan na magdasal .Kaya ipinagdasal ko naman na magkasakit si Digong. ‘Di ba sabi niya pagod na siya kaya magpahinga muna siya,” ang sabi ni Father Noel Gatchalian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?