107

By

Go sa pagmamatigas ni Pulong na magpakita ng likod: Right to privacy niya ‘yun!

Nirerespeto umano ni dating Special Assistant to the President Bong Go ang desisyon ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na huwag ipakita ang kanyang likod na mayroon umanong tattoo na may kaugnayan sa sindikato ng droga.

Ito’y matapos namang ipakita ni Go sa publiko ang kanyang likod para matapos na ang mga espekulasyon na sangkot siya sa kalakaran ng droga batay na rin sa alegasyon sa mga video ni alyas Bikoy sa social media.

Ani Go, right to privacy umano ito at karapatan ni Pulong na hindi ipakita ang kanyang likod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,