59

Feb 23, 2020 @ 15:16
By

Go sa mga pharmacy company: Murang gamot ibigay sa mga Pinoy

Nakiusap si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga pharmaceutical company na balansehin ang kanilang interest sa pagitan ng kita at pagbibigay ng mas murang gamot para sa mga Pilipino.

Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) 104 na nagre-regulate sa presyo ng ilang mga gamot na ibibenta sa bansa, kabilang mga pangunahing gamot na pangkaraniwang nirereseta sa mga pasyente.

“Ito ‘yung mga panahon na litung-lito sila, hindi nila alam saan sila hihingi ng tulong, nagmamakaawa. Ngayon, mayroon na kayong mga murang gamot. One hundred plus po ito, 133 po ito na mga murang gamot,” sabi ni Go.

Sa ilalim ng EO 104, papatawa ng maximum retail price (MRP) at maximum wholesale price (MWP) ang ilang piling mga gamot na umabot sa 86.

Kabilang dito ang mga gamot para sa hypertension, diabetes, cardiovascular disease, chronic lung disease, neonatal disease, major cancer, chronic renal disease, psoriasis at rheumatoid arthritis.

Nakasaad din sa EO na inaatasan ang kinatawan ng Department of Health at Department of Trade and Industry na rebyuhin ang presyo na natitirang 36 drug molecule o 72 drug formula na nauna nang pinanukalang isama sa MRP at MWP list.

“Karamihan po rito, ‘yung iniinom ng ating mga kababayang mahihirap talaga, ‘yung mga maintenance (medicines). Tulungan po natin ang ating mga pasyente, mga kababayan,” sabi ni Go.

“Para sa akin, mga negosyante, maawa naman kayo sa ating mga kababayan. Tulungan n’yo naman po sila. Balansehin po natin ang lahat,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?