65

Feb 19, 2020 @ 18:05
By

Go sa Kongreso, Cayetano: ABS-CBN franchise hatulan niyo na!

Hindi na umano dapat pang patagalin pa ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang Kamara ang franchise bill ng ABS-CBN Corporation.

Ayon kay Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, magpapaso ng prangkisa ng ABS-CBN sa Marso 30, 2020 kaya’t mainam na dinggin na ito para mapagbotahan kung dapat pang palawigin pa ang prangkisa nito o hindi.

“Franchise renewal it will emanate from the lower house so dapat narin nilang i-tackle ito sa lower house sa congressmen just vote according to your conscience. Hopefully it is for the interest of the Filipino people,” pahayag ni Go.

“Mas lalo natin pinapatagal mas lalong umiinit ang isyu, pag-usapan niyo. Ito naman ang proseso, pag-usapan niyo then papadala dito sa Senado then the President will decide then hayaan natin siya to approve or exercise his veto power,” dagdag pa nito.

Nlinaw pa ni Go na walang utos si Duterte na harangin ang franchise renewal ng ABS-CBN.

“Huwag wag mo naman sabihing ayaw ni Presidente na ayaw niya i-renew. Vocal siya sa kanyang sama ng loob pero wala siya inuutos kahit kanino,” sabi ng senador.

“Ako bilang close to President, parati nya sinasabi vote according to your conscience at unahin ang interes ng Filipino,” dagdag pa nito.

Kahit aniya aprubahan ng Kongreso ang prangkisa, walang katiyakan na ivde-veto ito ng Pangulo.

“I can’t speek in behalf of the President, it’s up to his decision,” sambit pa ni Go.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?