32

By

Go nagdadalawang-isip pa sa pagtakbo sa Senado

Sharing is caring!

Hindi pa umano desidido si Special Assistant to the President Christopher Lawrence ‘Bong’ Go kung tatakbo sa pagkasenador.

Sa panayam, sinabi ni Go na nagdarasal pa siya at naghihintay ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Nag-iisip pa po ako ng mabuti, nagdarasal po ako ng mabuti. Sana ma-enlighten po ako sa aking magiging decision sa mga susunod na araw. But, uulitin ko po, I leave it to the wisdom of the President po kung saan po ako mas makakatulong,” pahayag ni Go sa panayam ng GMA News.

Kapag natuloy na kumandidato, ang pangulo na umano ang hahanap ng kaniyang kapalit.

“Prerogative po ng ating Pangulo kung sino ang pipiliin niyang kapalit ko, at I’m sure po marami pang mas magaling na Filipino at qualified po,” dagdag nito.

Sakaling manalo, mananatili umano siya sa sirkulo ng pangulo.

“Hindi naman po ako aalis sa tabi ng ating Pangulo. Gaya ng pangako ko sa kanya na hanggang kamatayan po ako nasa tabi niya.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?