68
Go, Marcos, Roxas lagpas na sa net worth ang ginastos sa kampanya
Feb 14, 2019 @ 17:43
By

Go, Marcos, Roxas lagpas na sa net worth ang ginastos sa kampanya

Naglabas ng kanilang listahan ang Philippine Center for Investigative Journalism ng mga kandidatong ang net worth ay mas mababa kumpara sa ginagastos sa kanilang kampanya.

Kasama rin sa listahan ang mga kandidato namang may malaking net worth pero hindi magastos sa kanilang advertisement.

Kabilang sa top spenders sa senatorial race sina Bong Go, Imee Marcos, Mar Roxas, Sonny Angara, Francis Tolentino, Benigno “Bam” Aquino, Grace Poe, Gary Alejano at Koko Pimentel.

Samantala, hindi pa lumalagpas sa kanilang net worth ang ginagastos sa kampanya nina Cynthia Villar, Juan Ponce Enrile, Bong Revilla, Pia Cayetano, Nancy Binay, JV Ejercito, Jinggoy Estrada at Zajid Mangudadatu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?