133

Dec 5, 2020 @ 15:03
By

Go hinamon sina Galvez, Duque na unang magpaturok ng COVID bakuna

Para patunayang ligtas ang bakuna kontra coronavirus disease na bibilhin ng gobyerno, hinamon ni Senador Bong Go sina vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., at Health Secretary Francisco Duque III na maunang magpabakuna nito kapag mayroon na.

Ani Go, naobserbahan kasi niyang marami pang Pilipino ang nag-aalangan na magpabakuna.

“I’m challenging Secretary Galvez, once available na po ‘yung safe na vaccine, ipapakita niya, along with Secretary Duque, sila po ang unang magpapaturok ng vaccine to encourage naman po,” lahad ni Go sa Laging Handa public briefing nitong Sabado.

Dagdag niya, dapat unahin sa pagbakuna ang mga mahihirap, madaling kapitan ng sakit at mga frontliner.

“Dapat unahin ang poor, vulnerable, frontliners of course, sila ang nangunguna sa labang ito, mga sundalo, mga guro natin, mga senior citizen po na talagang vulnerable at especially po ‘yung mga indigent Filipino people,” anang senador, na Senate Committee on Health chair din.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?