48

By

Go hinamon si Trillanes: Handang mag-resign ‘pag napatunayang sangkot sa multi-bilyong kontrata ng pamilya

Sharing is caring!

Nakahanda si Special Assistant to the President Bong Go na humarap sa ipapatawag na imbestigasyon ni Senator Antonio Trillanes IV kaugnay sa umano’y multi-bilyong pisong kontrata na nakuha ng kompanya ng kanilang pamilya sa gobyerno.

Sinabi ni Secretary Go na kahit bukas ay handa siyang sumalang sa Senado para sagutin ang mga alegasyon sa kanyang pamilya at para mabisita na rin sa kanyang pinagtataguan ang senador.

Papatunayan aniya nito sa Senado na wala siyang kinalaman sa mga kontratang nakuha ng kompanya ng kanyang ama at half-brother.

“I welcome any, and all, investigation or senate inquiry that Trillanes will call in relation to my family’s alleged involvement in ‘billions of pesos’ worth of projects.

I am even asking Trillanes to start as soon as possible. Kahit bukas agad pwede akong sumalang sa Senado, para naman mabisita ko siya kung saan siya nagtatago,” ani Go.

Sinabi ng kalihim na kapag napatunayan sa imbestigasyon na may kinalaman ito sa mga nakuhang kontrata ng pamilya ay magre-resign agad ito, subalit kung mapatunayang fake at gawa-gawa lamang ito ay dapat na mag-resign si Trillanes.

“In the course of the investigation, if my involvement will be proven and substantiated by facts and documents, I will immediately tender my resignation. But if the allegations are fake and concocted then my accuser, Senator Trillanes, should resign,” dagdag pa ni Go.

Sinabi ng kalihim na masaya siyang haharap muli sa senado dahil patutunayan niyang mali ang mga nag-aakusa, at mabibigyan muli siya ng libreng media mileage.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?