35

Jan 20, 2021 @ 14:40
By

Go hinamon si Robredo: Sabay-sabay tayong magpabakuna

Para maalis ang takot ng publiko sa COVID-19 vaccination, hinamon ni Senador Christopher “Bong” Go sina vaccine czar Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque III na mauna mabakunahan sa oras na available na ito sa bansa.

Nauna nang nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na nakahanda siya na maunang maturukan ng gamot laban sa coronavirus disease.

“Importante po dito, to gain the confidence of the Filipino people. Kaya sabi ko dito kay Secretary Duque at Secretary Galvez, ‘pag nandiyan na ang vaccine, paturok kaagad kayo. Ipakita n’yo na mapagkakatiwalaan ang vaccine na binili n’yo,” pahayag ni Go.

Hinamon din nito si Vice President Leni Robredo na tumulong na kumbinsihin ang publiko na magtiwala sa vaccination program kasabay ng pag-alok na maunang magpabakuna kontra COVID-19.

“Ako naman po pagkatapos ni Pangulong Duterte, o sabay, ikaw naman Vice President Leni Robredo ang magpaturok din. Ipakita mo rin sabay-sabay tayo,” sabi ni Go kay Robredo.

“Hinahamon ko kayo para makuha natin ang kumpiyansa ng bawat Pilipino. Ipakita natin, sabay-sabay tayong magpaturok,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?