178

Nov 17, 2019 @ 18:22

Go hihikayatin si Duterte na i-regulate ang mga e-cigarette

Matapos ianunsiyo ng Department of Health (DOH) ang unang naitalang kaso ng electronic-cigarette or vaping product use associated lung injury (EVALI) sa bansa, hihikayatin umano ni Senador Bong Go si Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng executive order upang i-regulate ang pag-manufacture, pagbebenta at paggamit ng lahat ng klase ng e-cigarette.

“Kailangang magkaroon ng mas mahigpit na regulasyon ang ating otoridad na may kaugnayan sa produksyon, distribusyon at paggamit ng lahat ng uri ng e-cigarettes,” saad ng dating presidential aide sa isang pahayag.

Sinubukan na ng DOH na i-regulate ang mga e-cigarette sa isang administrative order na in-issue noong Hunyo kung saan kailangang kumuha ng lisensya mula sa Food and Drug Administratio ang lahat ng mga gusali na sangkot sa manufacture, distribution, importation, exportation, sale at transfer ng mga e-cigarette at iba pang electronic nicotine delivery system, gaya ng vape.

Subalit pansamantala itong tinigil ng isang hukuman sa Pasig matapos magpetisyon ang isang grupo ng mga vape consumer at iba pang miyembro ng local e-cigarette industry.

Ayon sa DOH, mayroong nicotine, ultra-fine particles, carcinogens, heavy metals, at volatile organic compounds ang mga e-cigarette kaya gusto nilang i-ban na ang mga ito sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?