49

Sep 12, 2021 @ 12:06
By

Go go go! Rufa Mae tinodo pag awra sa Amerika

Nagkaroon ng good time si Rufa Mae Quinto sa pagsakay niya sa isang cruise sa San Francisco, California.

Ibinahagi naman ng komedyante sa Instagram ang naging masyang trip niya.

“Go go golden gate ! Nakapag cruising ulit . Yahoo!” sey niya sa caption ng kanyang post kung saan makikita siyang umaawra sa yate suot ang puting bistida.

“Saya saya! Napakahangin Kaya parang lilipadin ang hair and lashes mo, gusto ko say . I left my eye 👁 lashes in San Francisco. Ferry ⛴ cruising together.”

Ayon sa ulat ng GMA News, kasalukuyang naninirahan si Rufa Mae sa San Francisco kasama ang kanyang pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?