346

By

Go ‘excited’ na sa pagtatapat nila ni Trillanes sa Senado

Sharing is caring!

Hahayaan ng Malacañang na aksiyonan ng Senado ang resolusyong inihain ni Senador Antonio Trillanes IV para imbestigahan ang umano’y conflict of interest kay Special Assistant to the President Bong Go dahil sa mga kontrata sa gobyerno ng negosyo ng ama at half-brother.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi niya alam ang sinasabing conflict of interest pero kumpiyansa itong kayang idepensa ni Go ang sarili.

Hindi aniya makikialam ang Malacañang sakaling ipatawag ng Senado si Go.

Sa panig naman ni Secretary Go, sinabi nitong nakahanda siyang humarap para sagutin ang mga bintang ni Trillanes.

Kapag aniya napatunayan ng senador na nakialam ito sa mga transaksiyon ng kompanya ng kanyang ama at kapatid ay magre-resign ito, pero kapag hindi napatuyan ay dapat na mag-resign si Trillanes.

“I’m very excited for another Senate faceoff with Mr. Trillanes. Bilisan na n’ya gaya nang sinabi ko sana bukas na o ngayon kasi baka magtago na siya,” ani Go.

Iginiit ng kalihim na mayroon itong delicadeza at pinagbawalan ang kanyang mga kamag-anak na tumuntong sa Davao City Hall kahit noong alkalde pa si Pangulong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?