72

Sep 8, 2021 @ 20:42
By

Go-Duterte tandem pambato ng PDP-Laban Cusi faction

Opisyal nang prinoklama ng PDP-Laban Cusi wing ang susuportahang tambalang Go-Duterte sa 2022 elections.

Si Go ang kanilang presidential candidate habang si Pangulong Rodrigo Duterte ang vice presidential candidate.

Dineklara rin ang kanilang mga senatorial candidate na kinabibilangan nina Labor Sec. Silvestre Bello III, Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Transportation Sec. Arthur Tugade at Congresswoman Lucy Torres-Gomez.

Samantala, senatorial guest candidate nila sina Presidential Spokesman Harry Roque, Public Works and Highways Sec. Mark Villar, PACC Chairman Greco Belgica at Congressman Rodante Marcoleta.

Inayawan ni Go ang nominasyon habang tinanggap ito ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?