1,347

Oct 5, 2021 @ 15:35
By

Go-Duterte naudlot: Robin gumuho pangarap sa ‘Pinas

Ikinalungkot ni actor Robin Padilla na hindi natuloy ang pagtakbong presidente ni Senador Bong Go at bise presidente ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ani Robin, gumuho ang mga pagbabagong pangarap niya sa Pilipinas.

“Aminin ko sa inyo mga mahal kong kababayan at tagasunod. Isa ako sa mga nagsusulong na tumakbo bilang presidente si Senator Bong Go at si Mayor PRRD ang Vice President. Inilaban ko yan sa kudrado ng aming lupon, ipinilit ko hanggang sa huling sandali bago tuluyan na nagretiro si Mayor prrd at si Senator bong go naman ay pumalit sa kanya,” sambit ni Robin sa Instagram post.

“Nalungkot ako at natulala sa naganap dahil gumuho ang mga pagbabagong pangarap ko para sa Inangbayan. Aminin man natin o hindi napakaraming nagawa ng 5 taon administration ni Mayor prrd at sa 2 taon ni Senator bong go sa senado,” patuloy niya.

Sa kabila nito ay naniniwala raw ang aktor na sa pamamagitan at sa katauhan ni Senador Go ay parang hindi rin iniwan ni Duterte ang mga Pilipino.

Matatandaang nag-anunsyo na si Duterte ng pagreretiro sa politika habang si Senador Go ay tatakbong vice president.

“Andiyan pa rin siya na nagpapayo at nagtuturo kay Senator Bong Go kung paano haharapin ang mga krisis na darating sa Inangbayan. Magsisilbing tatay si prrd ng pangalawang tatay ng Inangbayan. The best adviser a Vice President can ever get,” ani Robin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?