51

Jan 19, 2021 @ 20:26
By

Go: Duterte inutusan si Galvez isiwalat kay Sotto mga vaccine deal

Para sa transparency, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ipaalam kay Senate President Vicente Sotto III ang mga COVID-19 vaccine deal ng gobyerno.

Ayon ito kay Senador Christopher “Bong” Go isang video statement na ipinadala sa mga reporter nitong Martes.

“Kausap ko po si Pangulo at inatasan niya si Sec. Galvez na ipaalam po ang kasunduan kay Senate President Sotto,” lahad ni Go.

“Nagkausap na rin po kami ni Senate President ukol dito, para magkaroon po ng transparency,” dagdag niya.

Nang tanungin kung ang kasunduan lang sa Sinovac ang idedetalye ni Galvez kay Sotto, sinabi ni Go na: “Tingin ko lahat na [ng vaccine deals].”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?