36

By

Go, Ateneo sinampolan ang UE, 12th win sinungkit

Nanalasa sina Isaac Go, Ferdinand Ravena III, at Angelo Franck Williams Kouame para dalawahan ng Ateneo Blue Eagles ang UE Red Warriors, 84-50 sa 82nd UAAP seniors basketball tourney 2019 2nd round elims Linggo sa Ynares Center, Antipolo.

Bumida sa laban sina Go na umiskor ng 13 points, pang-ibabaw sa tatlong rebound, at tig-isang assist at block, garahe si Kouame ng 11 pts, walong rebounds, tatlong blocks, at tig-isang assist at steal, at dumamba si Ravena ng 11 markers, pitong board at dalawang feed.

Sa 4-0 lang umalma ang Warriors bago sinupalpal na pagkaraan ng Eagles, na dumistansiya ng hanggang 36 na puntos, 82-46, buhat sa 3-point play ni Go, mahigit isang minuto na lang sa game tungo sa pagdiretso ng ADMU sa 12-0, dalawang panalo ang layo para maka-outright finals.

“We’re happy, I’m really happy with the way we played. We’re happy with the win. We have a week of preparation for NU and UP. So, it’s good to be where we at obviously and we wanna carefully watch our upcoming opponents and potential playoffs opponents,” pahayag ni Ateneo coach Tab Baldwin.

Sa kabilang dako, lugmok sa 3-9 ang Recto-based dribblers na ligwak na rin para makapasok pa sa Final Four ng torneo.

Kapos ang double-double ni Alex Diakhite na 15 points, 15 rebounds at ayuda ni Rey Suerte na 10 points, apat na rebounds,at assist para sa mga bata ni UE coach Lucio ‘Bong’ Tan, Jr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?