4

Jul 27, 2020 @ 18:42
By

Go ‘adopted son’ ng Puerto Princesa

Dineklarang “adopted son” ng Puerto Princesa, Palawan nitong Lunes si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

Ayon kay Councilor Elgin Damasco, gusto nilang ipadama kay Go ang kanilang lubos na pasasalamat dahil sa walang puknat na pagtulong ng senador sa mga residente ng Puerto Princesa.

“We wanted to express our heartfelt gratitude because he has helped our residents relentlessly. There is no instance where he turned us down when we called for help,” paliwanag ni Damasco na siyang nagtulak ng resolusyon para kilalaning si Go.

Diniin ni Damasco ang mga hinatid na tulong ni Go sa mga nangyaring sunog sa lungsod.

Bago ang Puerto Princesa, “adopted son” na rin si Go sa iba’t ibang siyudad at lalawigan sa bansa kabilang ang Legazpi City, Pangasinan, Nueva Ecija at Taal, Batangas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?