146

Dec 8, 2019 @ 15:52
By

Go 1st pick sa PBA special draft

“Surreal feeling” – ganyan inilarawan ni Isaac Go ang kanyang nararamdaman ngayong matagumpay na makakatungtong na siya sa PBA.

Sa 2019 PBA Special Draft na ginanap nitong Linggo sa Robinson’s Ermita, Manila, sinungkit ng Columbian Dyip ang Ateneo slot man na si Go, ngunit tatlong taon pang maghihintay bago makasalang sa pro league.

Ito’y matapos na magdeklara ng special draft ang liga, ibig sabihin ay ipapahiram muna sa Gilas program para sa 2023 Fiba World Cup ang limang manlalaro ngayong draft class.

Kasama ni Go sa Gilas cadet ay sina UE star Rey Suerte na nasungkit ng Blackwater Elite, Ateneo playmaker Matt Nieto na lalaro naman para sa NLEX Road Warriors.

Salo din sina San Sebastian sharpshooter Allyn Bulanadi na nakuha ng Alaska, at Ateneo leader Mike Nieto na tutungo sa Rain or Shine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?