150

Aug 17, 2020 @ 15:01
By

GMA, TV5, Viva agawan sa LizQuen

Tatlong kompanya ang interesadong masungkit ang isa sa popular na love team sa Pilipinas na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Ibinunyag ito ng handler ni Liza na si Ogie Diaz.

Ayon kay Diaz, gustong bingwitin ng GMA, TV5 at Viva Express ang LizQuen.

Huling proyekto ng reel at real life couple Kapamilya stars ay ang “Make It With You”, na isang primetime series, pero nakansela ito dahil sa pandemic.

Sabi ni Diaz, priority pa rin nila ang ABS-CBN pero kung wala itong ibibigay na project sa dalawa at pumayag na mag-transfer ng network ang LizQuen ay susunggaban ng mga ito ang offer ng ibang kompanya.

“As per Tita Cory Vidanes nung nakausap ko, gumagawa naman daw sila ng paraan kung paano maitatawid ‘yung mga love teams na pinoprotektahan nila at ‘yung sine-secured talaga nila,” sey ni Diaz sa ulat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?