75

Oct 22, 2018 @ 18:55
By

GMA todo-ngiti sa mataas na rating ng Kamara

Masaya si Speaker Gloria Macapagal sa mataas na satisfaction rating ng Kamara sa pinakahuling Social Weather Station survey.

Pinasalamatan ni GMA ang mga kongresista sa pagtatrabaho para maipasa ang maraming panukalang batas.

Binanggit nito na aabot sa 400 bills ang naaksyunan ng mababang kapulungan sa nakalipas na ilang buwan kabilang ang mahahalagang legislasyon gaya ng paglikha ng Department of Housing, coco levy, rice tariffication at ang budget bagama’t meron aniyang kaunting delay dahil sa nadiskubreng insertions.

“Yehey! Thank you, thank you. Well, I’m very happy that has happened and we have been able to pass a lot of legislation,” sabi ni Arroyo.

“So I’d like to give my acknowledgement to the hard work of the congressmen,” dagdag ng Speaker.

Para kay GMA, nakatulong na maraming mga batang miyembro ang Kamara dahil kayang tumagal ng mga ito sa mahabang oras ng trabaho.

“They have all the energy to carry out the long and hard hours I have been asking them to undertake and seeing them makes me feel that when their next generation takes over the reigns of government, it will be good and it gives me hope for our country’s future,” pahayag ni Arroyo.

Base sa SWS survey, umakyat sa ‘good’ mula sa ‘moderate’ ang grado ng Kamara makaraang tumaas ng 11 points ang satisfaction rating nito na naging +36 mula +25 noong Hunyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?