75

Oct 13, 2017 @ 17:56

GMA sasabit sa senatorial slate ng PDP-Laban

Bukas si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel sa posibilidad na maisama sa senatorial slate sa 2019 Midterm Elections si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ay makaraang manumpa na bilang bagong miyembro ng Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Arroyo.

“That’s life. Things change,” saad ni Pimentel.

Gayunman, binigyang-diin n Pimentel na dapat magbago si Arroyo at yakapin ang prinsiyo ng PDP-Laban.

“But she must be the one to change by embracing the PDP-Laban’s core principles of belief in God, human dignity, love of country, equal opportunities for all, consultative and participatory democracy and federalism,” dagdag ng PDP-Laban President.

Matatandaang una nang inilabas ni Pimentel ang napupusuan nitong maging bahagi ng senatorial slate ng partido.

Kinabibilangan ito ng kanyang sarili, House Majority Leader Rodolfo Fariñas, Representatives Alfredo Benitez, Geraldine Roman, Karlo Nograles at dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino.(Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?