41

By

GMA sa pag-alis ng term limit: ‘Di ko probisyon ‘yon!

Sharing is caring!

Dumistansya si Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa pagsusulong ng mga kongresista ng pagtanggal ng term limit ng mga mambabatas sa ilalim ng draft federal Constitution.

Nilinaw ni GMA na hindi sa kanya galing ang naturang probisyon. Nailagay anya ito sa draft ng federal charter dahil sa collegial decision ng mga miyembro ng House committee on constitutional amendments.

“That was not my provision. My only provision was the one on how to establish a federal state,” giit ni Arroyo.

Sagot ito ni Arroyo sa mga batikos na ang layon ng pagtanggal sa term limit sa Resolution of Both Houses No. 15 ay para sa kanyang re-election at para mapanatili ang Speakership.

Kinumpirma rin ng chairman ng Constitutional amendments committee na si Leyte Rep. Vicente Veloso na walang kinalaman si GMA sa pagtanggal ng term limits at hindi ito para sa interes ng Speaker.

Hindi rin anya tama na tawaging Arroyo draft federal Constitution ang pinagdedebatehan sa Kamara dahil matagal na itong tinatrabaho ng komite, noong panahon pa ni dating Speaker Pantaleon Alvarez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?