40

By

GMA sa mga kongresista: Back to work!

Pinagtatrabaho na ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang mga kongresista matapos ang pagpapalit ng liderato sa Kamara.

Kinausap ni GMA ang lahat ng committee chairmen sa mababang kapulungan.

Ayon kay Negros Occidental Rep. Albee Benitez, chairman ng House committee on housing and development, “back to work” ang direktiba ni Speaker GMA na gustong umpisahan na ng mga komite ang pagdinig sa mga panukalang batas.

Partikular na pinaaapura ni Arroyo ang paglikha ng Department of Disaster Management na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA.

“Speaker Arroyo give the instructions that continue with the work and make sure that the legislative work is not delayed or derailed,” ani Benitez.

Hindi naman masabi ni Benitez kung may mababago sa committee chairmanships.

Pero natural lamang aniyang mangyari ito dahil may nasa anim na committee chairmen ang hindi bumoto kay GMA.

Naniniwala ang kongresista na paiiralin ng mga ito ang delicadeza at kusa nang bibitiwan ang hinahawakang mga komite. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?