38

Dec 4, 2020 @ 12:36
By

GMA nagsalita na sa libreng video practice nila

Nagsagawa umano ang GMA-7 ng internal review hinggil sa panghihingi nila ng libreng video parehong mula sa mga professional at amateur, matapos maisapubliko ang gawain na ito online.

Matatandaang kamakailan, nilabas ni Ezra Acayan, photojournalist para sa Getty Images, ang mga liham at mensahe ng GMA Public Affairs sa ilang indibidwal na patunay sa hiling ng network na i-waive lahat ng fee para magamit ang larawan o video sa kanilang mga programa.

Sa pahayag ngayong araw, sinabi ng GMA Public Affairs na kinikilala nila ang mga nilantad na concern hinggil sa usapin.

Lumabas umano sa kanilang internal audit na “a good number of our programs provide financial incentives to those who contribute their footage, while others consistently secure permission from contacts to air their material for free.”

Kinikilala anila nila ang pangangailangang i-standardize ang kanilang mga proseso at mag-improve pa.

Ang agarang hakbang umano ng GMA ay itigil ang paghiling sa tao na kumuha ng video para sa kanila nang libre.

Hiniling din nilang huwag ibunyag ang pribadong impormasyon ng stafffers nila na posibleng magresulta anila sa public shaming.

“Our immediate action is to put a stop to the practice of our teams requesting for use of photos and videos without compensation, particularly requesting interview subjects to shoot video for us for free,” ayon sa broadcast network.

“In the spirit of healthy dialogue, we also request that the rights of our staffers be respected and that their private information be protected from undue exposure that may lead to public shaming. Our Public Affairs teams have only done their best to produce our programs during these unprecedented times,” dagdag nito.

Unang pinunto ni Acayan ang karanasan niya kung saan may dalawang researcher mula sa isang programa ng GMA-7 ang nagpaalam na magamit ang larawan niya tungkol sa bagyong Ulysses ngunit walang bayad at tanging proper courtesy lang ang ibibigay.

Tapos, nilantad naman ng parehong photojournalist ang liham na pinadala sa isang drone operator sa Tuguegarao kung saan nais i-waive ng network ang bayad para sa nakuhang footage sa pagbaha sa Cagayan.

Sinundan ito ng paglantad sa liham na pinadala sa isang chef sa Paris kung saan nais i-waive ng GMA ang bayad para sa kukuhaang footage ng chef sa relief drive nito na para sa mga Pinoy na apektado ng COVID-19 pandemic doon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?