1,807

By

GMA naglabas ng pahayag hinggil sa pagkakatisod umano ni Eddie Garcia sa set ng teleserye

Pinag-aaralan na umano ng GMA network ang video ng aktong pagkakabagsak ng batikang aktor na si Eddie Garcia habang nasa set ito ng taping ng teleserye ng GMA na ‘Rosang Agimat’.

Naglabas ng pahayag ang GMA hinggil sa kumakalat na video sa social media kung saan ay tila natisod si Eddie Garcia sa isang cable wire sa location ng eksena bago ito nag-collapsed.

“The video of Mr. Eddie Garcia faltering in his steps and eventually collapsing has reached GMA. We are seriously reviewing the said video as well as other videos of the same scene which our cameras also took, before we make any conclusions on what really transpires,” saad sa official statement ng GMA.

Paliwanag ng network, ang unang statement na inilabas hinggil sa nangyari kay Garcia na unang nabalitang inatake sa puso ay ibinigay umano sa GMA News ni Nick, stepson ni Eddie Garcia.

Saad pa ng GMA, “We will wait for the family or their doctor to issue a formal update on his condition.”

“Meanwhile, we continue to pray for his quick recovery.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?