195

Sep 5, 2019 @ 12:38

GMA may sabit sa pagkamatay ni Eddie Garcia – DOLE

Walang napasang report, safety officer at first aid responder – ‘yan ang mga nakitang violation ng Department of Labor and Employment sa GMA kaugnay ng pagyao ng beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Nilahad ito kasabay ng hearing sa Kamara ukol sa proposed 2020 budget ng DOLE.

At the House of Representatives’ hearing on DOLE’s proposed 2020 budget, DOLE National Capital Region Director Sarah Mirasol said that the network failed to assign on-site safety and first aid personnel

“We conducted a mandatory conference already. We notified them of the violations [in] our findings which are the following: the non-submission of report within 24 hours, the non-provision of safety officer and also the non-provision of first aid in the worksite,” ayon kay DOLE National Capital Region Director Sarah Mirasol.

Sa Setyembre 16 ihahain ang pinal na resolusyon ukol sa insidente.

Matatandaan na sumakabilang-buhay si Manoy matapos mapatid ng wire sa set ng serye ng GMA network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?