142
tnt-gloria
Oct 14, 2017 @ 14:46

GMA magse-senador muli?

Tatakbo umano sa pagka-senador si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Arroyo.

Ayon sa source, ibibilang ito sa senatorial slate ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP – Laban) kaya ito lumipat sa partido nitong Mierkules, Oktubre 11.

Hindi ito itinanggi ni Senate President Koko Pimentel na pangulo ng PDP – Laban kung saan kasapi rin sina Pangulong Duterte at House Speaker Pantaleon Alvarez.

Nung tanungin kung ano ang posibilidad na makasama si Arroyo sa kanilang ticket at ano ang kaniyang pakiramdam, sinabi ni Pimentel na mayroon talagang mga nangyayaring pagbabago.

“That is life. Things change.” Ani Pimentel.

Sa pagsapi ni Arroyo, inaasahan nila na tatalima ito sa mga prinsipyo ng partido pati na ang kanilang mga isinusulong gaya ng federalism.

“She must be the one to change by embracing the PDP-Laban’s core principles of belief in God, human dignity, love of counry, equal opportunities and participatory democracy, and federalis.” Ayon kay Pimentel.

Bago lumipat sa PDP-Laban, pinamunuan ni Arroyo ang dating ruling party na Lakas-KAMPI-CMD.

“My joining the PDP-Laban is to consolidate support for the President. It is a matter of course as we have been talking about this for quite sometime,” pahayag ni Arroyo nung manumpa bilang bagong myembro ng partido sa harap harap ni Alvarez, secretary general ng PDP-Laban.

Kapag natuloy si Arroyo sa pagkandidato para bumalik sa pagiging senador, ang anak na si Mikey Arroyo ang posible umanong kumandidato muli sa pagka-konggresista ng Pampanga. (Sherlock Homes)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?