21

By

GMA ipinasyal sa China ang 10 estudyante

Sharing is caring!

Isinama ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa China ang sampung kabataan, kabilang ang tatlong persons with disabilities (PWD).

Ang mga estudyante ay pinili sa buong bansa kabilang ang Marawi City.

Bumiyahe ang mga ito sa China mula November 7 hanggang 8.

Ipinasyal ang grupo sa Hong Kong at Guangzhou Province para saksihan at maranasan ang paglago ng China sa nakalipas na 40 taon simula nang magbukas ito sa buong mundo.

Dumalo rin ang mga ito sa Youth Summit 2018 ng Boao Forum for Asia (BFA) sa Hong Kong para ma-inspire na maging mahuhusay na lider sa kanilang mga komunidad.

Si Arroyo ay miyembro ng BFA Board.

Noong Setyembre, naging guest speaker siya sa China-Asean Mayor’s Forum sa Nanning City

Sa Guangxi Province, kung saan sinabi nitong dapat tumayo ang China bilang ‘Big Uncle’ at isulong ang kooperasyon lalo na sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?