74
tnt-gloria
By

GMA: Imbestigasyon kay Diokno, hindi hinaharang ng Malacañang

Walang utos si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara para itigil ang isinasagawang imbestigasyon kay Budget Secretary Benjamin Diokno kaugnay ng umano’y mga anomalya sa budget at flood control scam.

Sa huling pulong kay Pangulong Duterte, sinabi ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na ang pinag-usapan lamang nila ay mahahalagang priority measures para matiyak na maibibigay sa mga tao ang mga ipinangako nito noong kampanya.

Ayon kay GMA, iginagalang ng Presidente ang legislative duties ng Kamara.

“No, no. Definitely not. He (President Duterte) respects the two Houses, the separation of powers,” sagot ni Arroyo nang matanong ng media kung tinangkang ipatigil ni Pangulong Duterte ang imbestigasyon ng House Rules committee kay Diokno.

Inanunsyo ni House Majority Leader and Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., na pormal nang inimbitahan ng kanyang komite si Diokno para dumalo sa pagpapatuloy ng public hearing sa January 15, 2019.

Imbitado rin sa pagdinig ang anak ng kalihim na si Charlotte Justine, at in-laws nito na incorporators ng Aremar Construction.

Pinadalhan naman ng subpoena ang mga opisyal ng Department of Public Works and highways (DPWH), Anti-Money Laundering Council (AMLC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Budget and Management (DBM) gayundin sina Francis Clemente na tumayong liaison officer ng C.T. Leoncio Construction, na umano’y pinaboran ng Budget secretary sa mga kontrata ng gobyerno.

“We expect full cooperation and full disclosure from those invited to the hearing as they will be testifying under oath. We also expect to be provided with documentary evidence that could shed light on the anomalous budget practices of the DBM and questionable allocations for DPWH, which we uncovered during the previous hearing,” sabi ni Andaya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?