53

By

GMA humirit ng karagdagang P10B para sa DOH budget

Hinikayat ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang bicameral conference committee sa talakayan ng mga ito hinggil sa 2019 national budget na dagdagan ng P10 bilyon ang inalokang pondo sa Department of Health (DOH).

Sa isang pahayag nitong Linggo, sinabi ni Arroyo na sinabihan na nito si Representative Rolando Andaya Jr. na maglaan ng karagdagang P5 bilyon para sa mga health facilities program at barangay health centers.

Samantala nais aniya na ilagay ang karagdagan pang P5 bilyong sa Health Human Resources Development Bureau ng DOH upang maiwasan ang malawakang kakulangan sa health personnel, kabilang na ang mga doktor, nurse, at dentist sa mga government health facilities.

“There should be consistent support to our health sector because DOH plays a very crucial and frontline role and in the never-ending need for sufficient and timely healthcare especially in our poor communities,” saad ni Arroyo.

“It needs all the funding support it could get especially in the light of the passage of the Universal Health Care bill,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?