102

By

GMA dumistansya sa isyu ng amnestiya ni Trillanes

Sharing is caring!

Ipinauubaya ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa korte ang isyu sa revocation ng amnesty ni Senador Antonio Trillanes IV kaugnay ng tangkang pagpapatalsik sa kanyang administrasyon noon.

Sa panayam ng media sa Kamara, sinabi ni Arroyo na ito ay usaping legal kaya bahala na ang korte na magdesisyon.

“He has gone to court so let’s see what the court continues to have to say,” ani Arroyo.

Matatandaang pinagkalooban ng amnesty si Trillanes at iba pang sundalo na miyembro ng Magdalo group noong 2011 para sa kanilang mga krimen kaugnay ng 2003 Oakwood Mutiny, 2006 Marines Stand-Off, at 2007 Manila Peninsula Incident. Target ng lahat ng ito ang pagpapabagsak sa administrasyong Arroyo.

Pero kamakailan ay binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiya sa pamamagitan ng Proclamation No. 572, kung saan nakasaad na walang bias ang amnestiya ni Trillanes dahil hindi ito sumunod sa minimum requirements para maging kuwalipikaso sa ilalim ng amnesty proclamation.

Nagpasaklolo si Trillanes sa Korte Suprema at hiniling na magpalabas ng temporary restraining order laban sa proklamasyon ni Duterte pero tinanggihan ito ng Kataas-taasang Hukuman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?