134

By

GMA-7 founder Gilberto Duavit Sr. pumanaw na

Sumakabilang-buhaynaang founding chairman ng TV network na GMA-7 na si Atty. Gilberto Duavit Sr. sa edad na 84.

Si Duavit ang umupong chairman ng GMA Network mula 1974 hanggang 1976, at naging director noong 1977.

Bukod sa pagiging parte ng broadcasting service, naglingkod din bilang kongresista si Duavit Sr. sa 1st District ng Rizal.

Bilang mambabatas, pinarangalan siya bilang isa sa Ten Most Outstanding Congressmen sa 9th, 10th at 11th Congress.

Siya rin ay naging Executive Director of the National Youth and Sports Development Foundation of the Philippines noong 1978, at Senior Deputy Minister of the Ministry of Youth and Sports Development mula 1974 hanggang 1978.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?