18

By

GM So inupuan ang top spot

Sharing is caring!

Sumulong ng dalawang sunod na panalo at isang tabla si super grandmaster Wesley So upang hawakan ang top spot matapos ang round 3 ng Grand Chess Tour rapid, 2018 kahapon sa sa Leuven, Belgium.

Solo sa unahan si 24-year-old So tangan ang 2.5 points sa event na may 10-player single round robin format.

Kinalos ng tubong Imus, Cavite na si So sina grandmaster Fabiano Caruana ng USA at Shakriyar Mamedyarov ng Azerbaijan sa rounds 1 at two, ayon sa pagkakasunod, habang tabla kay Maxime Vachier-Lagrave ng France matapos ang 44 moves ng Nimzo-Indian.

Dala ang bandera ng Amerika, makakalaban ni So sa fourth round si GM Anish Giri ng The Netherlands.

Magkasalo sa second spot sina Russian GM Sergey Karjakin at GM Levon Aronian ng Armenia hawak ang tigalawang puntos.

Si So ay nagpalit ng federation may apat na taon na ang nakalipas. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?