42
chess
By

GM norm uuwi nina Quizon, Mordido

Grandmaster at Woman GM norms ang mga hangad ng 15-anyos na si Daniel Quizon at 16 na taong si Kylen Joy Mordido sa pangunguna sa 57-kataong Team Pilipinas na sasabak simula Lunes ng hapon sa 20th ASEAN Age Group Chess Championships sa Mandalay, Myanmar.

Tangka ng mga batang woodpusher makabawi tapos na mahintakutan at makadama ng kaunting trauma sina Quizon at Mordido kasama ng buong delegasyon sa muntik na ‘di pagsali sa torneo dahil sa pagkakagulo sa kanilang gagamiting tiket para makalipad sa Myanmar.

Kinapos si Quizon nito lang Marso ng kalahating puntos na masungkit ang ikalawa sa kanyang dapat makuhang tatlong norms upang maging lehitimong GM sa paglahok sa Ninth HD Bank sa Vietnam.

“Still in Bangkok. Noon ang lipad ng connecting flight nila to Mandalay. arrving at 1:30pm,” sabi ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) treasurer Cliburn Anthony Orbe sa kanyang post sa FB account.

“1st round today but organizers moved it to 4:30pm from 3pm on GM Jayson’s request to give our players time to settle in,” sabi ni Orbe, na kinailangan makipagtulungan kay National Chess Federation of the Philippines pres. Prospero Pichay Jr, para makiusap sa Philippine Sports Commission (PSC) na makakuha ng tiket noong Linggo.

Napilitan naman matulog ng isang gabi ang mga chess player sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 tapos agad magtungo sa paliparan base sa opisyal ng NCFP na makukuha nila agad ang kanilang tiket.

Sa tulong ng PSC ay nakaalis ang buong delegasyon na magsasabak ng tatlong players kada age division para sa kabuuang 42 players at pati na rin sa ilang special age categories.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?