25
chess3
By

GM Gonzales bentahe na, tumabla pa

NAUWI sa draw ang winning position ni Grandmaster Jayson Gonzales kay GM Kevel Oliva Castaneda ng Cuba sa ninth at final round ng XX Obert Internacional Sant Marti 2018 sa Barcelona, Spain Sabado ng gabi.

Umabot sa 66 moves ang banatan nina Gonzales at Castaneda, lumanding ang Pinoy sa 15th places sa pagtatapo ng event na ipinatupad ang nine rounds swiss system.

Hindi nakita ni 49-year-old Gonzales ang winning queen move kaya nakagawa ng paraan si Castaneda na makahirit ng draw.

Naka-pokus si Gonzales sa kanyang pagko-coach sa mga batang woodpusher, sumalo siya sa 11th to 20th places subalit matapos ipatupad ang tie-break ay landing ito sa 15th.

Pangalawang sunod na magandang performance ang ipinakita ni Gonzales, nakaraan lang ay pang-fifth siya sa tournament sa Barbera del Valles sa Barcelona.

Ang estudyante ni Gonzales na sina Woman GM Janelle Mae Frayna at International Master John Marvin Miciano ay tabla din ang resulta ng kanilang huling laro kina IM Alexey Fernandez Cardoso ng Cuba at Torbjorn Glimbrant ng Sweden ayon sa pagkakasunod.

Kasalo sina Frayna at Miciano sa 21st to 29th spots tangan ang tig 5.5 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?