9

By

GM Antonio pinisak si GM Laylo

Sharing is caring!

Sa edad na 56, ipinakita ni Antonio ang talas ng kanyang pag-iisip matapos kalusin si GM Darwin Laylo, 6.5-2.5, sa Philippine Chess Blitz Online Face Off Series na pinamagatang “The Fight for the Ages” Linggo ng gabi na ipinalabas nang live sa YouTube channel ng National Chess Federation of the Philippines.

Nanaig ang 13-time champion na si Antonio sa Game 6 para makauna, 3.5-2.5, bago ang second half ng match.

Matapos makapagpahinga ay hindi na lumingon si Antonio, pinagpag na nito nang tuluyan si back-to-back Philippine Open champion Laylo sa event na suportado ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Chairman at President Rep. Prospero “Butch” Pichay Jr.

“Nagpasalamat ako sa NCFP sa pagbigay nila sa akin ng pagkakataon na makapaglaro,” hayag ni Antonio na pinarangalan sa naganap na Philippine Sportswriters Association Awards Night noong Pebrero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?