116

Dec 26, 2017 @ 12:00
By

Gloria Arroyo nag-abroad na!

MATAPOS payagan ng korte na makabiyahe sa labas ng Pilipinas, umalis na ng bansa kahapon ng umaga si Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Bago mag-alas 7 ng umaga nang lumipad ang sinakyang Cathay Pacific flight ni Arroyo patungo sa Hong Kong.

Nauna nang pinagbigyan ni Pasay City Judge Jesus Mupas ng RTC Branch 112 ang petisyon ni Arroyo na makalabas ng bansa para sa mga personal at business meetings.

Sa sala ni Mupas, dinidinig ang kasong electoral sabotage na inihain laban kay Arroyo kaugnay sa 2004 national elections.

Nakatakda rin bumisita sa Japan at Myanmar ang dating pangulo.

Base sa kanyang naaprubahang petisyon, hanggang sa Enero 12 mawawala ng bansa si Arroyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?