55

Jun 25, 2020 @ 15:50
By

Gloria Arroyo mataas respeto kina Duque, Duterte, Galvez

Saludo si dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo sa tatlong government official na nilalabanan ang COVID-19 pandemic.

Ito’y pahayag ni Arroyo, na sinabi ang ilan sa kanyang mga karanasan sa pagsugpo ng mga virus outbreak tulad ng SARS, bird flu at swine flu noong siya pa ang nasa pwesto.

Ayon kay Arroyo, alam niya ang hirap sa paglaban sa virus, lalo pa’t sinasangga ang mga kritisismo pagdating sa aksyon sa pandemya.

“I was head of our government in the SARS, avian flu, and swine flu. From that perspective, I must say that I have nothing but the highest respect for all of those in our government now battling in the arena, from President [Rodrigo] Duterte to Sec. [Carlito] Galvez, to Sec. [Francisco] Duque and to each and every frontliner in the trenches and checkpoints, many of whom have given their lives in this fight,” ayon kay Arroyo.

“I have been in the arena, so I think I have earned the right to say that an ounce of their effort is worth more than the ton of criticism they receive day in and day out,” aniya pa.

Matatandaan na naging sentro ng kontrobersya si Duque dahil sa ilang anomalya sa pagresponde sa COVID-19 pandemic, kung saan nagkasa na si Ombudsman Samuel Martires ng imbestigasyon para sa kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?