26

Jun 2, 2020 @ 13:12
By

Globe tumulong sa Mandaluyong vs. COVID

Nakiisa ang Globe sa kampanya ng Mandaluyong City kontra coronavirus pandemic.

Nag-ambag ang kompanya ng P1 milyon para sa pagbili ng Mandaluyong ng virus testing kit.

Nagtatag din ng GoWiFi hotspots sa National Center for Mental Health (NCMH), Mandaluyong Public Markets 1 & 2 at sa Puregold Price Club-Shaw para maka-access sa internet ang sinumang nasa lugar.

Wala na ring bayad sa sinumang tatawag sa NCMH COVID Hotline na 0917-899-USAP (8727) o 7-989-USAP (8727).

Bukod dito, nakatanggap din ng personal protective equipment ang mga medical frontliner sa NCMH. Binigyan din sila ng Globe ng mobile phone kits na may unlimited all-net call and text sa loob ng 45 araw.

“We support Mandaluyong City’s various initiatives to help its residents withstand the impact of COVID-19 in the coming weeks. We hope our donations will make a difference for the people of Mandaluyong as they go through these tough times brought by the pandemic,” wika ni Yoly Crisanto, Globe SVP for Corporate Communications and Chief Sustainability Officer, sa isang press release.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?