206
ABANTE TNT GLOBE SMART TRASLACION SIGNAL WALA
Jan 9, 2018 @ 8:37

Globe, Smart puputulin ang signal sa Maynila para sa Traslacion

Pansamantalang sususpindihin ang signal ng Globe at Smart sa Quiapo at sa mga lugar na pagdaaraan ng Itim na Nazareno ngayong araw batay na rin sa kahilingan ng Philippine National Police (PNP).

Sa hiwalay ng advisories, sinabi ng Globe Telecom Inc. at Smart Communications Inc. na wala silang mobile services sa lugar na pagdadaan ng prosesyon ng Itim na Nazareno.

“The suspension will begin at 5 a.m. of Jan. 9, 2018 until the image of the Black Nazarene returns to Quiapo Church, at around midnight the same day,” ayon kay Globe General Counsel Froilan Castelo said in an advisory.

“Due to overlapping mobile signal from cell sites in adjacent areas, the suspension of services could affect customers in other parts of Manila and Cavite,” dagdag pa nito.

Mawawalan din umano ng signal ang Globe sa bahagi ng Quezon City, Mandaluyong, Makati, at iba pang lugar bilang pagsunod na rin sa kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC).

Samantala, sinabi naman ng Smart spokesperson Ramon Isberto na kanilang puputilan ang kanilang signal sa lugar na dadaan ng prusisyon ng Itim na Nazareno.

“Shutdown along the procession route until the Black Nazarene returns to Quiapo Church,” sabi ni Isberto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?