146

Jan 14, 2021 @ 15:44
By

Globe, PLDT hinarang libu-libong porn site

Bilang pagsunod sa utos ng National Telecommunications Commission (NTC), binlock ng dalawang internet service provider (ISP) sa bansa ang libu-libong website na nagpapalabas ng sexual abuse at pagsasamantala sa mga bata.

Napaulat na 2,521 website na ang hinarang ng Globe habang 3,011 site naman ang sa PLDT-Smart.

Ayon kay PLDT first vice president and chief information security officer Angel Redoble, kapag bubuksan ng internet user ang “malicious materials” na ito ay ipupunta siya sa page na nagsasabing ang bubuksan nilang file ay lumalabag sa antichild pornography law ng Pilipinas.

Samantala, pinunto naman ni Globe chief information security officer Anton Bonifacio na napakalimitado lang ng content-based filtering at hindi magagawa ng tanging mga ISP ang pagkontrol sa mga iligal na content online.

“The only way to curb this content at these types of platforms is for the government to also pressure social media platforms or content providers to stop delivering this type of content to consumers,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?